Buwan: Agosto 2012

Hale – Blue Sky

08-31-12 Blue Sky ng Hale

Darating ang araw na muling mawawala sa uso ang isyu tungkol sa pagbuhay ng OPM at muli na naman itong mapagwawalang-bahala.

Walang mawawala kung susubukin nating iangat ang OPM sa sarili nating paraan. Halimbawa, maaari tayong magpatugtog ng awiting OPM sa sari-sarili nating device. Hindi ko sinasabing puro OPM lang ang dapat nating ipatugtog dahil kalokohan ‘yon. Kung hindi mo pa nasusubukang makinig ng OPM dahil kadiri ang tingin mo rito, bakit hindi mo subukin, kahit isang kanta lang kada araw? Maganda ang OPM, kung paglalaanan lamang natin ng oras ang pakikinig at pag-appreciate.

08-31-12

Blue Sky by Hale (Champ Lui Pio, Roll Martinez, Sheldon Gellada, and Paolo Santiago)Album: Above, Over and BeyondSana’y magustuhan n’yo. :>

Ang Himig Natin: Pagdinig sa Humihinang Tinig ng OPM

http://www.scribd.com/doc/104377012/Ang-Himig-Natin-Pagdinig-sa-Humihinang-Tinig-ng-OPM

Ang Himig Natin: Pagdinig sa Humihinang Tinig ng OPM

ni Aby Esteban at Rhea Leorag

Mula sa: Matanglawin (Opisyal na Pahayagang Pangmag-aaral ng Pamantasang Ateneo de Manila) Tomo XXXVI

“Mas pipiliin ng taong bilhin iyong gawa sa labas kaysa sa lokal. Nakakalungkot, kaya rin naman ng lokal.”

Francis Guevarra, Artists and Repertoire Manager ng MCA Music

 

“Sana panahon na ng bagong henerasyon, bagong henerasyon ng musicians at bagong OPM.”

Rez Toledo (“Somedaydream”), mang-aawit at nagpatanyag ng E-Pop sa Filipinas

(more…)

Overthinking

Mahirap umasa sa magagandang bagay dahil sa huli’y masasaktan ka lang kung hindi ‘yon mangyayari.

‘Yon ang sabi nila. Kadalasan, totoo naman. Pero ang isa pang masaklap: kumbinsihin ang sarili na may masamang mangyayari at tuluyang magpanic-. Duh, wala pa kaya.

Ang katwiran: para hindi na gaanong masakit kapag nangyari na. Pero paano kung mabuti naman pala ang kahihinatnan ng lahat at hindi naman magkatotoo ang mga hinala? Nagmukha ka lang tanga.

Noong nakaraang araw, kumuha ako ng mahabang pagsusulit sa isang major subject.  Hindi ko alam kung sadyang mahina lang ako, kulang sa paghahanda, o sadyang napakahirap lang n’ong eksamen. Pakiramdam ko nilalagare na ang bungo ko, isang oras pa lamang ang lumilipas mula sa tatlong oras na nakalaan.

Habang pilit na pinipiga ang utak para sa mga konseptong napag-aralan, paminsan-minsa’y lumilinga ako sa paligid. Hindi para mangopya.  Nakikita ko ang mga kasamahan ko sa kurso, gayundin ang propesor kong kinikilala sa kanyang larangan. Naiisip ko ang kinabukasan ko na nakasalalay sa mga papel at bolpen na hawak ko, gayundin sa mga letra at numerong nasa harapan ko nang mga oras na’yon. Kung ibabagsak ko ang pagsusulit, babagsak ako sa asignatura, matatanggal ako sa kurso, mawawalan ng iskolarsyip, at… Pero hindi ‘yon ang problemang dapat harapin. Sumagot ako hanggang sa abot ng aking makakaya at pagkatapos ng pagsusulit, isa lamang ang dasal ko: ‘wag sanang bumagsak.

Nang gabing iyon (hanggang kaninang umaga), labis na kalungkutan ang sumukob sa buhay ko. Pakiramdam ko, hindi tama ang mga ginawa ko, hindi ako naglaan ng sapat na oras sa pag-aaral, nagkulang ako. Umabot ako sa puntong kinuwestiyon ko ang mga bagay na isinasabuhay ko, mga gawaing tinatanggap ko at mga desisyong ginagawa ko. Umabot din ako sa puntong sinimulan ko ang blog na ito. [:>] Depresyon.

__________________________________________________

Kaninang umaga, klase sa asignatura kung saan ako kumuha ng eksamen noong nakaraang araw. Idinetalye ng propesor ang mga kasagutan sa nakaraang pagsusulit, pero hindi pa niya ibinalik ang mga papel namin. Dug. Dug. Dug. Habang tumatakbo ang oras lalo pa akong kinakabahan sa kalalabasan ng ginawa ko. Pumapasok na namang muli sa isip ko ang pagbagsak, pagkatanggal sa kurso at…

Pagkatapos ng klase, ang laki ng galit ko sa sarili ko. Hindi dahil nasiguro ko na ang pagbagsak sa pagsusulit, kundi dahil nang binilang ko ang mga aytem na medyo sigurado akong tama ang aking isinagot, lumagpas naman sa kalahati. Ibig sabihin: pasado. Hindi mataas, pero pasado. Masaya naman ako na sa nangyari, pero ‘yong kung ano-anong bagay na gumulo sa isip ko nitong mga nakaraang araw, ‘yong mga luhang tumulo dahil sa mga negatibong pangyayari na ipinalagay kong magaganap, ang mga oras na nasayang ko sa panunuod ng pelikula sa pag-aakalang kailangan ko iyon para aliwin ang sarili…

Ang labo ko. Pero ayos lang, atlis pasado. :> Dalawang mahabang pagsusulit na naman ang haharapin ko bukas. Anuman ang maramdaman ko pagkatapos, sisiguraduhin kong hindi kasama roon ang panghihinayang. hangga’t alam kong naghanda ko, ipasasa-Diyos ko na lamang ang kalalabasan ng mga pagsusulit. Siguro… makabubuti kung pupunta ako sa isang party bukas ng gabi. :>

Ang Himig Natin

*songwriters

*songwriters… zombies?

Namamatay na raw ang OPM. Nakalulungkot. Ang totoo- masakit. Pero siyempre tutol ako sa isiping iyon. Sa ngayon, ang pananaw ko ay ito- hindi totoong patay na o namamatay ang OPM. Tumitingin lamang tayo gamit ang maling perspektibo. Oo, maraming problema, pero hindi pa rin natin masasabing namamatay na ang lokal na industriya ng musika sa kabuuan.

Narito ang ilang mga artikulo at blog na nangahas ipahayag sa mundo ng Web na “OPM is dead.” :

OPM’s Greatest Hits and Misses ni Shinji Manlangit (Philippine Star)

http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=841518&publicationSubCategoryId=448

The Life and Death of OPM ni Don Jaucian (Philippine Star)

http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=841513

OPM is Dead, So Sue Me ni Leloy Claudio

http://www.gmanetwork.com/news/story/271491/opinion/blogs/opm-is-dead-so-sue-me

___________________________________________

Gusto kong sabihing nagkakamali o nag-iimbento lamang sila. Pero sa kasalukuyan, wala pa akong karapatang gawin ‘yon. Gusto kong suportahan at gawing adbokasiya ang muling pag-angat ng OPM ngunit sa ngayon, kulang pa ako sa kaalaman. Sabi nga sa Sci10 class, hindi sapat ang intent at passion- dahil kailangan itong samahan ng knowledge at objectivity.

Siguro sa mga susunod na araw o buwan, makahahanap din ako ng oras para pag-aralan ang mga bagay na dapat kong alamin tungkol sa industriya ng musika sa ating bansa. Basta sa ngayon, nais ko na lamang umasa na hindi pa tuluyang patay ang OPM kundi naghihintay lamang ng mga taong handang sumagip dito.

___________________________________________

Narito naman ang ilang artikulo at blog na kumokontra sa isiping “OPM is dead.” Sana nga, hindi sila nagkakamali.

Is OPM Dead? ni Twinky Lagdameo

http://www.radiorepublic.ph/post/is-opm-dead

On OPM ni Rain Contreras

http://raincontreras.com/2012/08/26/on-opm/

OPM isn’t dead you idiot. ni Carlo Casas

http://thecasas.wordpress.com/2012/08/25/opm-isnt-dead-you-idiot/

___________________________________________

Kapag natapos na ang lahat ng exams at kung ano-ano pa ngayong sem, maaring gumawa rin ako ng sariling blog entry na nagpapahayag ng opinyon tungkol sa isyung ito. Pero hindi pa ngayon iyon.

Hamon

Marami akong pangarap, marami akong gustong gawin. At blessed ako dahil nabibigyan ako ng pagkakataon na isakatuparan ang karamihan sa mga iyon. Pero kulang pa. Hindi ako nagli-live up sa mga commitments na kinukuha ko. Hindiko isinasakripisyo ang sarili ko. Hindi pa ako lubusang nagtataya. Oo, masaya ako ngayon pero alam kong hindi iyon ganap. Gusto kong mabuhay- hindi lamang para sa aking sarili kundi pati na rin sa mga taong mahal ko, sa aking kapuwa at lalung-lalo na sa Diyos. Gusto kong ihandog ang buhay ko sa sinasabi ng Theo na “thou” at “Thou”- maging daluyan ng lakas at pagpapala, maging tunay na “blessed to be a blessing.” Gusto kong kayanin. Gusto kong mag-excel Alam kong kakayanin ko. Tiwala lang. Bawas sa katamaran, pagiging makasarili at inconsiderate. Gawing produktibo ang bawat araw. Dito ako magsisimula. Mahirap. Pahirap na nang pahirap. Pero gusto kong kayanin. At kakayanin ko.

Ang Pinagsimulan ng Lahat

Kababangon ko lamang mula sa kamatayan kagabi. Pinagbabato ko ng sangkatutak na katanungan ang aking sarili- “Sino nga ba ako?”, “Ano nga ba ang gusto kong gawin?”, “Bakit ko ba ito ginagawa?”, “Masaya ba ako?”, “Paano ba ako magiging masaya?”, “Ano bang dapat kong gawin?”, blah blah blah. Umiyak ako, humagulhol, nawalan ng pag-asa. Pero tapos na iyon. Okey na ako ulit ngayon.

Pero bago pa man bumalik sa normal ang pintig ng puso at daloy ng dugo ko kagabi, naisipan kong sumulat. Ng ano? Wala akong idea n’ong una. Wala lang. Basta gusto kong sumulat. At iyon nga ang ginawa ko. Hindi ako sumulat dahil gusto kong may mailagay sa blog. Ang kathang naisulat ko ang dahilan kaya ako gumawa ng blog. Kung maipagpapatuloy ko ito ay hindi ko alam. Mukhang masaya kaya sinubukan ko lang. Wala namang mawawala. Yata.