Florante de Leon – Sana

“Sana’y pag-ibig na lang ang isipin
Ng bawat isa sa mundo…”

Hayy.. kung puwede lang talaga.

Sana

Artist: Florante de Leon

“Florante de Leon, better known as Florante, is a folk music artist known for the 1970s hit songs like Handog, Abakada and Ako’y Isang Pinoy. He was one of the artists considered instrumental to the emergence of Pinoy folk music Philippines.” (http://en.wikipilipinas.org/index.php?title=Florante)

 

Minsan na rin itong inawit ng bandang KenyoΒ  [Mcoy Fundales (vocals/guitars), Ace del Mundo (guitars), JM del Mundo (bass guitars), Cleng Ocampo (guitars) at Ariz Villalon (drums/percussions)].

 

Mahilig akong magmuni-muni. Lalo na kapag marami akong kailangang gawin. πŸ™‚ Baligtad, oo. Pero kung minsan kasi, sa dami ng kailangang paglaanan ng oras, nakakalimutan na natin ang mga dahilan kung bakit natin ginagawa ang lahat ng ito. Basta na lang tayo sumusuong sa rumaragasang agos. Nawawalan ng kahulugan ang mga bagay.

Kaya kadalasan, bago ako magsimulang malunod sa mga trabaho, nagnanakaw ako ng ilang minuto para mag-isip. Lipunan, mundo, buhay, pag-ibig. Madalas akong lumikha sa aking isipan ng isang mundo kung saan lahat ay maganda at masaya.

“Sana, lagi kong kasama ang mga mahal ko sa buhay.”

“Sana, napapasaya ko ang mga tao sa paligid ko, habang masaya rin ako sa mga ginagawa ko.”

“Sana wala nang nagugutom.”

“Sana wala nang hindi nakakapagtapos ng pag-aaral.”

“Sana hindi ko na kailangang mag-aral ng Math.”

“Sana sobrang talino ko na lang.”

“Sana, puwede akong matulog hangga’t gusto ko.”

Etc. etc.
Karamihan sa mga ito hanggang “sana” na lang talaga. (Wala naman akong pagpipilian kundi aralin ‘yong Math eh, haha πŸ™‚ ) Pero pagkatapos magmuni-muni (kung hindi pa ako nakakatulog), mamumulat muli ako sa realidad ng bundok ng mga gawain at problemang kailangang harapin.

Pero kaya pa ‘yan. Chill lang. πŸ™‚ Ang mahalaga, hindi ko nakakalimutang may mabigat na dahilan kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ito. At pagkatapos ng lahat-lahat, kapag nakamit ko ‘yon, saka lang ako tunay na magiging masaya. πŸ™‚

(Ang labo. πŸ™‚ )

 

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s