Buwan: Oktubre 2012

Where’s The Sheep? – I Am Home

A song that’s not just good, but also inspiring and enlightening to the soul. (Feeling ko lang mas maganda siyang pakinggan ‘pag English. 🙂 )

Bihira ‘yong mga gan’on. 😀

“Cause you’ve taught me how to hold the sun
And you’ve walked that shore into my arms
And at the end you’ve shown me I am home…”

I Am Home

Artist: Where’s The Sheep?

“Where’s The Sheep? is singer Mike Shimamoto and guitarist Hero Mauricio. The duo is a conduit for praise, worship and inspirational music.”

https://www.facebook.com/wheresthesheep

On the UAAP Men’s Basketball Games

Isa sa mga karanasang pinakaaabangan ng mga estudyanteng papasok sa kolehiyo ang panunuod ng UAAP game, lalo na ang basketball. (Siyempre, ‘yon ay kung kasali ang school mo sa UAAP. Pero ayos lang naman rin kung hindi. 🙂 ) (more…)

Alamat: Isang Konsiyertong Panlikom Pondo

Ano: Alamat, isang konsiyertong panlikom pondo

Organizer: A-2015 (class 2A, AHS)

Saan: Singson Hall, Ateneo Grade School

Kailan: 14 Oktubre, 6-9 n.g.

Hosts: Gretchen Ho at Andrei Felix

Nagtanghal: Mike Shimamoto, Yumi and Thyro, Dressed Up Days, Never the Strangers, Side A, at marami pang iba.

 

 

Astig ‘yong opening ni Mike Shimamoto. Actually in-expect naming medyo sa bandang dulo siya pero… hindi eh. 😀 Ang galing ng ginawa niyang renditions ng Jason Mraz songs, gayundin ‘yong orihinal niyang Caroline. 🙂 Sana marinig natin ‘yon sa mainstream radio sometime soon. 🙂

 

Isa mga pinakana-enjoy kong pagtatanghal ‘yong sa Side A. Grabe ‘yong pakiramdam na, sa radyo mo lang sila naririnig dati, tapos ngayon nasa harapan mo mismo sila at sobrang galing. Hands down.

 

Masaya rin ‘yong performance nina Yumi & Thyro. Astig sobra, nagulat pa kami nang kaibigan ko n’ong malaman naming original ‘yong kinakanta nila. Looking forward to so much more awesomeness from these two. 🙂

 

 

Okay rin ‘yong performance ng Never the Strangers. Natuwa talaga kami na tumugtog sila ng karagdagang tatlong awit mula sa album bukod sa Bago Mahuli ang Lahat, Alive at Moving Closer. Medyo kakapanuod lang kasi namin sa kanila roughly 10 hours ago. 🙂

 

 

Sobrang galing din n’ong iba, gaya ng Dressed Up Days at Kaleidoscope Eyes. Nakatutuwa talaga kapag nakakapanuod ng mga bagong banda sa mga ganitong gigs. Una, napapalawak pa lalo ‘yong kaalaman ko (ahem, natin 🙂 )  sa napakalaking mundo ng OPM. Ikalawa, dumarami rin ang koleksiyon ng musikang maa-appreciate at mamahalin natin. Awesome di’ba. 😀

Tuwing makapupunta ako ng ganitong events, nae-excite ako para sa kinabukasan ng OPM. Nakikita ko kung gaano kakulay at kasaya ang daang naghihintay sa lokal na industriya ng musika. Looking forward to more awesomeness and genuine happiness only OPM can give to us Pinoys. Mabuhay ang OPM! 😀

The Out of Body Special – Give It

Ngayon pala ‘yong Komikon 2012. Sayang hindi ako nakapunta. 😦

Anyway, sabi sa comments “MTV days, college days” daw ang kantang ‘to. Sayang naman at ngayon ko lang narinig. Ang galing. 🙂

“You don’t have to earn my love
If I just give it
But if I give it
Girl, will you dig it… ”

 

Give It

Artist: The Out of Body Special

 

Nino Avenido – Bass
Diego Beltran – Synth/Percussion
Patrick Co – Guitar
TedMark Cruz – Drums
Enrique De Dios – Keys/Percussion
Garon Honasan – Alto Saxophone
Carlos Magno – Vocals
Martin Veerayah – Guitar

Kinilala sila ng Time.com bilang isa sa Asia’s Best Bands. Astig! 😀

“”The OBS, a brand new flavor/ doing you a favor/ stereotype breaker,” raps front man Carlos “Los” Magno, 23, on the Out of Body Special’s debut album, Is Love, released in November 2007. Those are sentiments that have been expressed countless times in an industry where practically every new entrant claims to be offering something new, but with OBS’ compelling fusion of genres (rock, deep funk, soul, R&B, jazz and latin) to back him up, it appears Magno’s boast might have a ring of truth — at least in the otherwise predictable world of Asian hip-hop.”

http://www.time.com/time/specials/2007/article/0,28804,1704856_1704855_1704827,00.html

 

 

Carpe Diem. Magis. Chocolate. :D

Pinangako ko sa sarili kong susulat ako tungkol sa pagtatapos ng unang semestre para sa taong ito. Una, dahil ito na yata ang pinakamahirap na limang buwang pinagdaanan ko sa buong buhay ko. Ikalawa… ewan ko. pakiramdam ko kailangan.

Hindi talaga naging madali. Ang dami kong ‘firsts’ na naranasan n’ong nakaraang sem. Sabi ko nga, humaba na ‘yong bucket list ko, kasi naidadagdag ko ang isang entry pagkatapos kong gawin ‘yong mismong bagay na ‘yon. Narito ang ilan (dahil posibleng hindi ko na maalala ‘yong iba) :

1. Tumira sa dorm (a.k.a. maging independent)

2. Bumili ng gitara (at matuto ng basic chords)

3. Makipagdebate (‘yong legit)

4. Pangatawanan ang pagiging officer ng isang org.

5. Ma-meet si Manix Abrera. (haha!)

6. Makapanuod ng band gigs! (Ang Dyip ni Juan 2, Voters’ Educ. Concert, Alamat, Bonfire, yay!)

7. Magkaroon ng interaction with awesome people (‘yong mga bandang nagrereply at nagreretweet kapag nagpopost ako ng mga awit nila dito sa blog. Gayundin ‘yong mga nakikilala namin sa gigs, yay!)

8. Magkaroon ng “friend” na “celebrity.” (Hahaha)

9. I-“surprise” ang isang kaibigan para sa 18th birthday niya.

10. Mas maging knowledgeable pa tungkol sa OPM.

11. Simulan ang isang blog!

12. Maging active sa pagbabahagi ng mga awesome na OPM songs. 😀

13. Maging part ng Stage Management Team para kay Chris Tiu (pero ginawa lang nila akong taga-operate ng spotlight. oh well 🙂 )

14. I-maximize ang allowable cuts. (Medyo pinagsisihan ko ‘to.)

15. Makisali sa mural painting!

16. Matuto ng German language!

17. Makapag-perform sa harap ng malaking audience. (At hindi mag-fail. 🙂 )

18. Magspend ng quality time kasama ang NSTP kids! 🙂

19. Sumulat ng isang awit at lagyan ng tono. (Grabe sobrang accomplishment ‘to na hindi ko inaasahan. Hindi naman gan’on ka-epic ‘yong song pero ang saya ko lang talaga na nagawa ko ito. 🙂 )

 

Narito naman ang ilang hindi ko masasabing “firsts” pero goals na na-achieve ko this sem. 🙂

1. Makapanuod (ulit) ng UAAP game. (Finals Game 1!)

2. Maging miyembro ng walong orgs (at mag-active sa tatlo 🙂 )

3. Makapanuod muli ng musical play. (At kaibigan ko ang isa sa mga bida! 🙂 )

4. Ma-isurvive ang oral exams.

5. Muling maka-bonding ang elem. at HS friends. 🙂

6. Maging “working” student.

7. Maipasa ang final exams.

8. Manatili sa course ko. 🙂

 

Masasabi kong masyado akong naging spontaneous n’ong first sem. Kapag may isang bagay na mukhang exciting at mukhang kaya ko naman, gina-grab ko agad. Sabi nga ng isa kong kaibigan recently, hanga raw siya sa pagiging determindao ko. Kung gusto kong makilala ni ___, makikilala niya ako. Kung gusto kong makausap si ___, magagawa ko.

Cheat sheet ko para sa Theo Written Exam. Isang side ng post-it standard size (dahil hindi ko alam na puwede palang back-to-back -_-).

Gayunpaman, may mga pagkakataong namroblema ako dahil nagpapatong-patong na ang mga gawain. Sa tingin ko, dapat kong matutuhan kung paano piliin ang mga bagay na gusto ko talagang gawin, at kaya ko. May mga limitasyon din kasi ako at kung minsan nakalilimutan o ipinagwawalang-bahala ko iyon.

Isa pang kaibigan ang nagsabi: “Sundan mo ‘yong sinasabi ng puso mo. Marami nang tawag sa’yo. Pakinggan mo ‘yong pinakamalakas, ‘yong pinakadumadagundong. Pakinggan mo saka mo tugunan.”

Isa ‘to sa mga panghahawakan ko sa pagharap ko sa susunod na sem. Ngayon pa lang, marami nang plano, marami nang nakaatang na responsibilidad. Sa ngayon ang mahalaga, alam kong mahal ko ‘yong mga ginagawa ko at kaya ko pa. Sa mga susunod na buwan, siguradong marami pang oportunidad na darating at nanganganib akong malunod sa mga iyon. Sana magawa kong pakinggan kung alin nga ba sa mga tawag ang pinakamalakas.

“Masuwerte ka na nakatagpo ka ng bagay na magaling ka at mahal mo.”

Ang awesome lang talaga ng quotes ng mga kaibigan ko, haha. Pero seryoso. Masaya ako sa kung nasaan ako ngayon at ramdam kong napakasuwerte ko. Ang kailangan na lang ngayon, mag-live up ako sa mga commitments na tinanggap ko at maging bukas sa ano pa mang dala ng bawat araw na lumilipas.

Magis.

“Planning to magis the hell out of myself next sem. (If magis is even a verb.) World, please cooperate. Oh and please, inspire me. :(“

Ngayong darating na sem, plano kong mas magpursige sa pag-aaral. Like I’ve never done before. Maayos naman ang naging resulta ng mga nakaraang sem pero alam kong sa isa o higit pang aspekto, nagkulang ako. I could’ve done better. At plano kong ibigay ang “better” na iyon sa darating na sem.

Carpe diem.

Siguro gan’on pa rin. Magpapaka-determinado ako at aabutin ang mga bagay na dati akala ko hanggang pangarap lang. Pero hindi pa rin kalilimutan ang mga limitasyon.

Chocolate. 😀

Uhm.. wala lang. Basta napapasaya ako ng chocolate. At inilagay ko ‘to dito para tuwing babalikan ko ang post na’to, maaalala kong ipinangako ko sa sarili kong magchill paminsan-minsan. At kahit “Even chocolate can be bitter sometimes,” hindi ‘yon magiging sagabal para maging masaya at matamis pa rin ang buhay.

Ngayong darating na sem plano kong:

1. Magkaroon ng mas mataas na grades. (Hindi naman sa nagiging GC. Takot lang matanggal sa course. 🙂 )

2. Pangatawanang muli ang pagiging officer ng org. (Haha)

2. Manood ng marami pang band gigs!

3. Manood ng marami pang [musical] plays!

4. Makita siyang muli. (Hopefully haha)

5. Makasulat ng awesome articles para sa schoolpaper.

6. Makausap siyang muli? (Yuhh, ibang “siya” 🙂 )

7. Ipagpatuloy ang pagiging active ng blog.

8. Makipag-interact sa marami pang awesome people.

9. Irevive ang dapat irevive.

10. Tanggapin ang opportunities na alam kong makatutulong, makapagpapasaya, at kaya. 🙂

11. Maging masaya. 🙂

Ayon pa sa isang kaibigan (quotes galore! 🙂 ): “Sana pagkatapos mo ng college, marami ka ng experiences. Sana hindi mo lang maalala na ginawa mo, maalala mo na masaya ka habang ginagawa mo.”

Kaya ‘to. Tiwala. 🙂

R18: KAYA NATIN KUNG KAKAYANIN MO RIN – A Voters’ Education Concert

Ano: Voters’ Education Concert

Organizer: Kaya Natin! Movement

Saan: Amoranto Theater, QC

Kailan: Setyembre 28, Biyernes

Magtatanghal: Flying Ipis, Circa, Peryodiko, Join the Club, Never the Strangers at         6Cyclemind.

Imbitado: Lahat ng Filipinong maari nang bumoto sa 2013 elections

Nakatutuwa talagang nabigyan kami ng pagkakataong maging bahagi ng ganitong event, kahit bilang audience lang. Una, talagang interesante kung paanong mai-incorporate sa isang concert ang mga nararapat ipaalam sa botanteng Filipino. Ikalawa, sobrang nakaka-excite makapanuod muli ng performance ng local bands matapos ang matagal-tagal ring panahon. Ibang klaseng experience talaga ‘yong mapapanuod mo silang itanghal ‘yong mga awiting sila rin mismo ang gumawa. Nakaka-proud maging Pinoy. 🙂 [Hihi, ❤ OPM) Ikatlo, libre naman kasi ‘yong ticket so why not di’ba. 🙂

Gates open at 6pm. Humigit-kumulang isang oras kaming huli kaya naman medyo natakot akong kaunting banda na lamang ang maaabutan namin. Pagdating namin sa lugar, hindi pa nagsisimula. 🙂 Pero sa isang banda, nakalulungkot rin dahil isa sa mga dahilan ng pagkadelay ang kaunting bilang ng mga taong pumunta. Ayon sa nakausap naming isa sa mga organizers, hindi raw kasi nakapag-commit ang karamihan sa mga unibersidad kung saan sila magpromote. Gayundin, sinubukan raw nilang kontakin ‘yong mga SK officials sa lugar para sumali sa event. Hindi lang ako sigurado kung nakakuha sila ng sagot.

Makalipas ang higit isang oras pang paghihintay, medyo nadagdagan din naman ang mga tao at nagsimula na ang programa. 🙂 Unang nagtanghal ang bandang Circa. Binuhay ni Em at ng mga kabanda niyang sina Sam, Arkho, Devi, at Rey ang entablado nang umawit isa ng isang rock song bilang panimula, gayundin ng ilang orihinal ng banda kasama na ang Huling Pag-ibig na ilang araw pumatok sa Myx Daily Top Ten. Bago pa man matapos ang huling kanta, nabighani na kay Em ang isa sa mga kaibigan ko. ❤ 🙂

Sumunod na nagtanghal ang bandang Peryodiko. Unang beses ko silang narinig pero namangha na ako agad. Bukod sa magandang tugtog, makabuluhan rin ang nilalaman ng mga awit nila. Ang astig lang. 🙂 “Kaboses niya si Ebe!” Ito ang nasabi namin ng kaibigan ko sa isa’t isa. Natawa na lang kami n’ong malaman namin kinabukasan mula sa Internet na si Vin Dancel, bokalista ng Peryodiko, ay kapatid ni Ebe Dancel na dating bokalista ng 6Cyclemind. 🙂

Sa pagitan ng bawat pagtatanghal ay nagkakaroon ng maiikling talk tungkol sa kahalagahan ng pagboto gayundin sa proseso ng pagrerehistro, sa pangunguna ng mga host. Bukod dito, nagpaalala rin ang mga bandang tumugtog tungkol sa kahalagahan ng pagboto, mga karanasan nila, at kung ano-ano pa.

Sumunod namang nagtanghal ang bandang isa sa mga pinakahihintay namin, dahil sobrang na-curious talaga kami sa pangalan nila. 🙂 Kakaiba ang musika ng all-girl group na binubuo na ito. Rap singing ang dating. Itinanghal nila ang mga orihinal na kantang ‘Sssikreto’ at ‘Past is Past, Bitch!’ O di ba, kakaiba sila.

 

 

Mula pa n’ong umpisa inaaya na ako ng kaibigan kong tumayo at pumunta sa harapan ng entablado, kaso lang medyo nakakahiya kasi nakaupo lahat ng tao tapos medyo malayo sa’min ‘yong stage. Pero n’ong inintroduce na ang bandang Join the Club, hindi na siya naghintay ng sagot. Tatlo kaming tumayo at pumunta sa harapan para sumuporta at legit na i-enjoy ang palabas. N’ong una nakakahiya talaga kasi walang sumunod. 😀 Pero maya-maya marami na ring lumapit. Pakipot lang rin naman pala sila.  Mas naginng masaya ang gabi nang tumugtog ng ilang orihinal na awitin ang Join the club kabilang na ang hit single nilang Nobela.

 

 

Medyo mellow ang peg ng music ng NTS kaya ‘yong iba mas piniling umupo na lang at i-enjoy ang tugtugan. Kami, nanatiling nakatayo. Haha. J Siyempre, kailangang suportahan ‘pag schoolmate. J Tinugtog nina Ace, PJ, JP at Francis ang mga hit singles nilang Alive, Moving Closer, at ang pinakabagong Bago Mahuli ang Lahat.

 

 

Siyempre grand finale. Haha. Sobrang saya n’ong tugtugan. Sa sobrang saya hindi ko na matandaan ‘yong karamihan sa mga nangyari makalipas ang isang buwan. J Basta ang alam ko, halos lahat ng audience ay sabay-sabay na tumatawa, tumatalon, kumakanta at nagpapakasaya. Isa sa mga tinugtog nila ang all-time hit na Sandalan.

Habang palabas kami ng venue, dumaang tumatakbo si Tutti (ng 6Cyclemind) papunta sa kotse niya. Hindi ko alam kung anong sumapi sa’kin pero bigla na lang akong sumigaw ako ng “Bye, Tutti!” Nagpaalam rin siya at sabay pa kaming nagsalita ng kaibigan ko, “Great job!”/”Good job!” [respectively]. Nagpasalamat siya at umalis na rin kami. Natawa na lang ako sa komento ng isa pa naming kasama, kulang na lang daw sabihin naming, “Good job! See ya bro!” ;D

Nakatutuwa na nagkakaroon ng ganitong mga proyekto. Sana magpatuloy at madagdagan pa. Sana rin, mas maraming sumuporta. 😀

 

 

 

Mateo Escueta – Keep Me

Dahil marami talagang awesome na mahahanap lalo na kapag kung saan-saan ka naliligaw sa mundo ng Internet. 🙂 Ang ganda nito. ❤

“The way we are is keeping me from loving you.
I’m holding on but I can’t get through to you.
The way we are is keeping me from letting go of you.
My mind is free, but my eyes won’t see…”

(Lyrics available at http://soundcloud.com/mateoescueta/keep-me-demo)

Keep Me

Artist: Mateo Escueta

http://soundcloud.com/mateoescueta

Smokey Mountain – Kailan

Pag-ibig. Mukhang mali na yatang pagtuunan pa ito ng pansin sa susunod na semestre kung gusto ko talagang maiayos ang mga marka.

Pero sembreak pa naman kaya… </3

“Dito’y mayr’on sa puso ko

Munting puwang laan sa iyo

Maaari na bang magpakilala…”

 

Kailan

Artist: Smokey Mountain

Geneva Cruz
Jeffrey Hidalgo
Tony Lambino
James Coronel
Jayson Angangan
Chedi Vergara
Shar Santos
Anna Fegi

Formed by: Ryan Cayabyab

Album: Smokey Mountain (1990)

Version:

 

Artist: MYMP (Make Your Momma Proud)

Juliet Bahala
Chin Alcantara
Hannche Bobis
Jeff lima
Ibey Haber

Past members
Juris Fernandez (2001-2009)
Mike Manahan (2003)
Nina (2000-2001)
Brix Ferraris (2000-2001)
Fritz Ednacot (1996-2000)

Album: Versions (2005)

 

Join the Club – Nobela

“Ngumiti kahit na napipilitan
Kahit pa sinasadya
Mo akong masaktan paminsan-minsan
Bawat sandali na lang…”

 

Nobela

Artist: Join the Club

Biboy Renia (vocals, guitars)
Migs Mendoza (guitars, vocals and synthesizers)
Congie Lulu (bass)
Brian Lotho (drums)

Album: Nobela (2005)

 

Description

The only psychedelic-post-punk-folk-wave group in the country!