21 Days of OPM: Proyekto ng Yabang Pinoy

“Sagot ng Yabang Pinoy ang sound trip niyo! Ikaw, ano’ng nasa playlist mo? Abangan ang category na ipo-post namin araw-araw at mag-reto ng mga kantang naiisip mo. Layunin nito na matulungan ang ating mga musikerong Pilipino na mas marinig ang kanilang tinig. 21 days of OPM, kaya ba? Kulang ang dalawampu’t isang araw para sa OPM. Para sa mga may Twitter, gamitin lang ang hashtag na #MayOPM.”

Nito lamang nakaraang buwan ng Agosto inilunsad ng Yabang Pinoy (https://www.facebook.com/yabangpinoyhttps://twitter.com/yabangpinoy) ang proyektong 21 Days of OPM [http://bit.ly/21DaysOfOPM]. Nagbigay sila ng kategorya para sa bawat araw gayundin ng isang awit bilang halimbawa at hinikayat ang mga tagasuporta na magbahagi rin ng awiting sa tingin nila’y kaugnay ng tema. Gamit ang hashtag na #MayOPM, pinatunayan ng Yabang Pinoy at ng mga tagasuporta ng proyekto na hindi namamatay at kailanma’y hindi mamamatay ang OPM.

Sadyang makulay ang OPM kaya naman hindi ka talaga mawawalan ng awiting maitatampok sa anumang tema. Narito ang dalawampu’t isang kategoryang inihanda ng Yabang Pinoy upang mas makilala ang mga awiting OPM na paborito ng mga tagasuporta nito at naiuugnay nila sa kanilang mga buhay.

DAY CATEGORY FEATURED SONG
1 GOOD MORNING SUNSHINE

Kantang gusto mong pakinggan pagkagising sa umaga.

MORNING SWIM

Turbo Goth

2 WORDPLAY

Kantang feel na feel mong i-rap pero head bob na lang ang nagawa mo.

HERE TO OWN IT

Lyrically Deranged Poets

3 FRIENDZONE

Kantang nagpapaalala sa iyo na hanggang magkaibigan lang kayo.

SSSIKRETO

Flying Ipis

4 EMO TRIP

Kantang pinakikinggan mo kapag malungkot ka.

HILING

Paramita

5 TGIF

Kantang gusto mong marinig kapag gumigimik.

NIGHT OUT

Techy Romantics

6 KILIG HITS

Kantang nagpapaalala sa’yo kay Crush.

GIVE IT

The Out of Body Special

7 PETIX MODE

Kantang gusto mong pakinggan habang nagrerelax.

THERE’S A LONELY ROAD TO SUNDAY NIGHT

Ciudad

8 ROAD TRIP

Kantang gusto mong pakinggan habang nasa biyahe.

THIS IS OUR CITY

Taken By Cars

9 RAKSTAR DREAMS

Kantang pinapangarap mong tugtugin.

WE ARE ONE TONIGHT

Save Me Hollywood

10 LOVE BUG

Kantang pinakikinggan mo kapag inlove ka.

KAPITAN

Paraluman

11 BADTRIP

Kantang pinakikinggan mo kapag naiinis ka na.

BAKASYON

Peryodiko

12 GOOD VIBES

Kantang pinakikinggan mo kapag masaya ka.

SIGE LANG

Quest

13 MUNI-MUNI

Kantang gusto mong pakinggan habang nag-iisip.

TWENTY YEARS FROM NOW

Outerhope

14 PROM NIGHT

Kantang nakapagpapaalala sa iyo ng iyong unang sayaw.

THEME SONG

Ang Bandang Shirley

15 HEARTBREAKER

Kantang gusto mong iparinig sa taong nanakit sa iyo.

DAHAN

December Avenue

16 BURNOUT

Kantang pinakikinggan mo kapag stressed ka na sa ginagawa mo.

OTOMATIK

Pedicab

17 FIRST KISS

Kantang nakapagpapaalala sa iyo ng iyong unang halik.

A GENTLE PERSUASION

The Camerawalls

18 JUDGE ME

Kantang sa tingin mo ay ginawa para sa iyo.

OCEAN

Musical O

19 GAME FACE

Kantang pinakikinggan mo kapag gusto mong ganahan.

ORAS NA

Gracenote

20 DESPEDIDA

Kantang nakapagpapaalala sa iyo ng inyong huling pagkikita.

PAALAM KAHAPON

Ebe Dancel

21 PINOY AKO

Kantang nagpapaalala sa iyo na may yabang ang mga Pinoy.

PILING-PILI AT PINONG-PINO

Miko Pepito

Sadyang kulang ang dalampu’t isang araw subalit saludo pa rin ako sa Yabang Pinoy sa patuloy na pagtataguyod ng OPM.

Bukod sa paghikayat na ipakilala ang paborito mong OPM at patuloy itong suportahan, naging matagumpay rin ang Yabang Pinoy sa pagpapakilala ng mga banda at mang-aawit na hindi natin karaniwang napapanuod sa telebisyon o naririnig sa radyo. Patunay na hindi lamang sa mainstream scene nabubuhay ang lokal na industriya ng musika. Kaya naman hangga’t may mga Filipinong patuloy na gumagawa ng musika- mainstream man o hindi-  at may mga Filipinong handang sumuporta, hindi mamamatay ang OPM.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s