R18: KAYA NATIN KUNG KAKAYANIN MO RIN – A Voters’ Education Concert

Ano: Voters’ Education Concert

Organizer: Kaya Natin! Movement

Saan: Amoranto Theater, QC

Kailan: Setyembre 28, Biyernes

Magtatanghal: Flying Ipis, Circa, Peryodiko, Join the Club, Never the Strangers at         6Cyclemind.

Imbitado: Lahat ng Filipinong maari nang bumoto sa 2013 elections

Nakatutuwa talagang nabigyan kami ng pagkakataong maging bahagi ng ganitong event, kahit bilang audience lang. Una, talagang interesante kung paanong mai-incorporate sa isang concert ang mga nararapat ipaalam sa botanteng Filipino. Ikalawa, sobrang nakaka-excite makapanuod muli ng performance ng local bands matapos ang matagal-tagal ring panahon. Ibang klaseng experience talaga ‘yong mapapanuod mo silang itanghal ‘yong mga awiting sila rin mismo ang gumawa. Nakaka-proud maging Pinoy. 🙂 [Hihi, ❤ OPM) Ikatlo, libre naman kasi ‘yong ticket so why not di’ba. 🙂

Gates open at 6pm. Humigit-kumulang isang oras kaming huli kaya naman medyo natakot akong kaunting banda na lamang ang maaabutan namin. Pagdating namin sa lugar, hindi pa nagsisimula. 🙂 Pero sa isang banda, nakalulungkot rin dahil isa sa mga dahilan ng pagkadelay ang kaunting bilang ng mga taong pumunta. Ayon sa nakausap naming isa sa mga organizers, hindi raw kasi nakapag-commit ang karamihan sa mga unibersidad kung saan sila magpromote. Gayundin, sinubukan raw nilang kontakin ‘yong mga SK officials sa lugar para sumali sa event. Hindi lang ako sigurado kung nakakuha sila ng sagot.

Makalipas ang higit isang oras pang paghihintay, medyo nadagdagan din naman ang mga tao at nagsimula na ang programa. 🙂 Unang nagtanghal ang bandang Circa. Binuhay ni Em at ng mga kabanda niyang sina Sam, Arkho, Devi, at Rey ang entablado nang umawit isa ng isang rock song bilang panimula, gayundin ng ilang orihinal ng banda kasama na ang Huling Pag-ibig na ilang araw pumatok sa Myx Daily Top Ten. Bago pa man matapos ang huling kanta, nabighani na kay Em ang isa sa mga kaibigan ko. ❤ 🙂

Sumunod na nagtanghal ang bandang Peryodiko. Unang beses ko silang narinig pero namangha na ako agad. Bukod sa magandang tugtog, makabuluhan rin ang nilalaman ng mga awit nila. Ang astig lang. 🙂 “Kaboses niya si Ebe!” Ito ang nasabi namin ng kaibigan ko sa isa’t isa. Natawa na lang kami n’ong malaman namin kinabukasan mula sa Internet na si Vin Dancel, bokalista ng Peryodiko, ay kapatid ni Ebe Dancel na dating bokalista ng 6Cyclemind. 🙂

Sa pagitan ng bawat pagtatanghal ay nagkakaroon ng maiikling talk tungkol sa kahalagahan ng pagboto gayundin sa proseso ng pagrerehistro, sa pangunguna ng mga host. Bukod dito, nagpaalala rin ang mga bandang tumugtog tungkol sa kahalagahan ng pagboto, mga karanasan nila, at kung ano-ano pa.

Sumunod namang nagtanghal ang bandang isa sa mga pinakahihintay namin, dahil sobrang na-curious talaga kami sa pangalan nila. 🙂 Kakaiba ang musika ng all-girl group na binubuo na ito. Rap singing ang dating. Itinanghal nila ang mga orihinal na kantang ‘Sssikreto’ at ‘Past is Past, Bitch!’ O di ba, kakaiba sila.

 

 

Mula pa n’ong umpisa inaaya na ako ng kaibigan kong tumayo at pumunta sa harapan ng entablado, kaso lang medyo nakakahiya kasi nakaupo lahat ng tao tapos medyo malayo sa’min ‘yong stage. Pero n’ong inintroduce na ang bandang Join the Club, hindi na siya naghintay ng sagot. Tatlo kaming tumayo at pumunta sa harapan para sumuporta at legit na i-enjoy ang palabas. N’ong una nakakahiya talaga kasi walang sumunod. 😀 Pero maya-maya marami na ring lumapit. Pakipot lang rin naman pala sila.  Mas naginng masaya ang gabi nang tumugtog ng ilang orihinal na awitin ang Join the club kabilang na ang hit single nilang Nobela.

 

 

Medyo mellow ang peg ng music ng NTS kaya ‘yong iba mas piniling umupo na lang at i-enjoy ang tugtugan. Kami, nanatiling nakatayo. Haha. J Siyempre, kailangang suportahan ‘pag schoolmate. J Tinugtog nina Ace, PJ, JP at Francis ang mga hit singles nilang Alive, Moving Closer, at ang pinakabagong Bago Mahuli ang Lahat.

 

 

Siyempre grand finale. Haha. Sobrang saya n’ong tugtugan. Sa sobrang saya hindi ko na matandaan ‘yong karamihan sa mga nangyari makalipas ang isang buwan. J Basta ang alam ko, halos lahat ng audience ay sabay-sabay na tumatawa, tumatalon, kumakanta at nagpapakasaya. Isa sa mga tinugtog nila ang all-time hit na Sandalan.

Habang palabas kami ng venue, dumaang tumatakbo si Tutti (ng 6Cyclemind) papunta sa kotse niya. Hindi ko alam kung anong sumapi sa’kin pero bigla na lang akong sumigaw ako ng “Bye, Tutti!” Nagpaalam rin siya at sabay pa kaming nagsalita ng kaibigan ko, “Great job!”/”Good job!” [respectively]. Nagpasalamat siya at umalis na rin kami. Natawa na lang ako sa komento ng isa pa naming kasama, kulang na lang daw sabihin naming, “Good job! See ya bro!” ;D

Nakatutuwa na nagkakaroon ng ganitong mga proyekto. Sana magpatuloy at madagdagan pa. Sana rin, mas maraming sumuporta. 😀

 

 

 

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s