On the UAAP Men’s Basketball Games

Isa sa mga karanasang pinakaaabangan ng mga estudyanteng papasok sa kolehiyo ang panunuod ng UAAP game, lalo na ang basketball. (Siyempre, ‘yon ay kung kasali ang school mo sa UAAP. Pero ayos lang naman rin kung hindi. 🙂 )

Siyempre hindi ito nawala sa imaginary bucketlist ko (na  nadaragdagan matapos ko mismong magawa ang isang bagay na ‘bucketlist-worthy.’ Noong nakaraang taon, nakapanuod rin ako ng UAAP game pero natalo kami d’on so… 😀

Ngayong taon, inakala kong wala talagang pag-asang makapanuod dahil sobrang dami talagang gawain. Pero kinaya naman. Kinailangan kong magcut ng klase para pumila sa SM MOA (FYI, malayo ‘yon sa school -_- ) at inabot kami r’on ng higit dalawang oras bago nila sinabing first 500 lang pala ang makakakuha ng ticket. Ang galing. -_-

So hindi kami nakakuha roon, pero by some magic nakakuha pa rin kami ng tickets at nakapanuod. 😀

Habang hinihintay naming magsimula y’ong laro, napaisip lang ako. Bakit nga kaya napakasikat ng UAAP Men’s Basketball at pinag-aagawan y’ong tickets para sa mga laro? Bakit sa iba pang sports, hindi ganito kalakas ang suporta?

Dahil ba basketball? Oo, sikat na sikat nga ang basketball sa bansa pero sa dami ng tao sa MOA Arena nang mga oras na iyon, sigurado akong wala pa sa kalahati namin ang nakaiintindi talaga sa larong basketball at sa kung anong ginagawa nila sa court. Karamihan talaga d’on ang concern lang, makitang nai-shoot sa basket ang bola ng team na sinusuportahan o di kaya’y maagaw iyon mula sa kalaban.

School spirit? Siguro nga. Masaya rin naman ‘yong nagchi-cheer ka para sa mga ka-eskuwela mong naglalaro sa court, dahil dala nila ang pangalan ng pamantasang pinapasukan mo. Iba rin ang pakiramdam habang kasabay mo ‘yong dumadagundong na drums at malalakas na sigaw ng mga katabi mo.

Conformity? Ito ‘yong malaking tanong na gumulo sa isip ko. nag-eenjoy nga kaya ang mga taong nandito ngayon? O nag-eenjoy sila dahil… dahil ayon sa karamihan masayang manuod ng UAAP game? Dahil maaari nila ‘yong ikuwento sa mga kaibigan nila pagkatapos, o kahit doon na nga mismo eh. Hindi ko masasagot ang tanong na ito dahil hindi naman ako psychologist o sociologist o ano pa man.

May kanya-kanyang rason ang bawat pumapasok sa Araneta o MOA Arena para manuod ng basketball game. Naisip ko, ang saya sigurong tumayo sa pintuan at magsagawa ng survey sa bawat isa na nagtatanong: Why do you watch UAAP games? Trip lang. Sa tingin ko magiging interesante ang mga isasagot nila. 🙂

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s