Thoughts

Knowing What to Fight For (Or Why I Haven’t Said Anything About the Scrap-Pork-Barrel Issues)

I was walking home from school when I had an idea. I continued to ponder on it as I walked on. I wanted to write about it so badly I was half-running just to reach the dorm and begin typing. Unfortunately as I began the piece, my thoughts got clouded and the idea slowly slipped away. I wish I ran faster. Anyway, this is a futile attempt at catching what was left of it. Somehow I know that the points are still there, but some words, or some paragraph construction I probably got wrong. Still, I’m posting this here to remind myself that next time I get an idea, I should flop down the nearest bench and start writing.

Also this was supposed to be posted last Thursday.
—-
(more…)

Advertisements

If I were an artist

-I bet life would be a lot easier.
I’d be weird, but I won’t care
of what other people think.
I’d be proud of what I do,
even just to myself.
I’d be sure of what I want
to watch or see or listen to.
I won’t need anyone
to approve what I do.
I’d be who I am,
and it will reflect in my art.
Some will appreciate it,
some will not.
But it wouldn’t matter.
‘Cause the artist in me
has done his part.
Oh if I were an artist-

Hello June

It hurts when people, especially my friends, cringe when I mention the word “OPM.” They start thinking, “Oh here we go again…”

I get it, I can’t just persuade people to love the same things that I do, but to listen to me talking about something that keeps me alive, even for a couple of minutes… is it really that hard?

I know, I know. My bad. I’m sorry. I guess it’s my responsibility to find the right people whom I can talk to when I want to “babble” about OPM stuff. It’s just… there aren’t many.

Anyway, like I said. I love OPM. I love our local music. And I will continue loving it and supporting it and uplifting it and babbling about it and sharing the music. Because. I. Want. To. Even when no one wants to listen anymore.

So hello there, it’s June 1 and it’s been months since the last time I blogged. I’ll try my best to get back on blogging- sharing music and writing about random stuff. Writing keeps me alive. More than ever. (Well, along with a lot of things.) Most probably, I won’t be able to make it a daily habit, or even weekly. But I will be here, writing.

Not expecting anyone to be reading. But still writing.

Carpe Diem. Magis. Chocolate. :D

Pinangako ko sa sarili kong susulat ako tungkol sa pagtatapos ng unang semestre para sa taong ito. Una, dahil ito na yata ang pinakamahirap na limang buwang pinagdaanan ko sa buong buhay ko. Ikalawa… ewan ko. pakiramdam ko kailangan.

Hindi talaga naging madali. Ang dami kong ‘firsts’ na naranasan n’ong nakaraang sem. Sabi ko nga, humaba na ‘yong bucket list ko, kasi naidadagdag ko ang isang entry pagkatapos kong gawin ‘yong mismong bagay na ‘yon. Narito ang ilan (dahil posibleng hindi ko na maalala ‘yong iba) :

1. Tumira sa dorm (a.k.a. maging independent)

2. Bumili ng gitara (at matuto ng basic chords)

3. Makipagdebate (‘yong legit)

4. Pangatawanan ang pagiging officer ng isang org.

5. Ma-meet si Manix Abrera. (haha!)

6. Makapanuod ng band gigs! (Ang Dyip ni Juan 2, Voters’ Educ. Concert, Alamat, Bonfire, yay!)

7. Magkaroon ng interaction with awesome people (‘yong mga bandang nagrereply at nagreretweet kapag nagpopost ako ng mga awit nila dito sa blog. Gayundin ‘yong mga nakikilala namin sa gigs, yay!)

8. Magkaroon ng “friend” na “celebrity.” (Hahaha)

9. I-“surprise” ang isang kaibigan para sa 18th birthday niya.

10. Mas maging knowledgeable pa tungkol sa OPM.

11. Simulan ang isang blog!

12. Maging active sa pagbabahagi ng mga awesome na OPM songs. 😀

13. Maging part ng Stage Management Team para kay Chris Tiu (pero ginawa lang nila akong taga-operate ng spotlight. oh well 🙂 )

14. I-maximize ang allowable cuts. (Medyo pinagsisihan ko ‘to.)

15. Makisali sa mural painting!

16. Matuto ng German language!

17. Makapag-perform sa harap ng malaking audience. (At hindi mag-fail. 🙂 )

18. Magspend ng quality time kasama ang NSTP kids! 🙂

19. Sumulat ng isang awit at lagyan ng tono. (Grabe sobrang accomplishment ‘to na hindi ko inaasahan. Hindi naman gan’on ka-epic ‘yong song pero ang saya ko lang talaga na nagawa ko ito. 🙂 )

 

Narito naman ang ilang hindi ko masasabing “firsts” pero goals na na-achieve ko this sem. 🙂

1. Makapanuod (ulit) ng UAAP game. (Finals Game 1!)

2. Maging miyembro ng walong orgs (at mag-active sa tatlo 🙂 )

3. Makapanuod muli ng musical play. (At kaibigan ko ang isa sa mga bida! 🙂 )

4. Ma-isurvive ang oral exams.

5. Muling maka-bonding ang elem. at HS friends. 🙂

6. Maging “working” student.

7. Maipasa ang final exams.

8. Manatili sa course ko. 🙂

 

Masasabi kong masyado akong naging spontaneous n’ong first sem. Kapag may isang bagay na mukhang exciting at mukhang kaya ko naman, gina-grab ko agad. Sabi nga ng isa kong kaibigan recently, hanga raw siya sa pagiging determindao ko. Kung gusto kong makilala ni ___, makikilala niya ako. Kung gusto kong makausap si ___, magagawa ko.

Cheat sheet ko para sa Theo Written Exam. Isang side ng post-it standard size (dahil hindi ko alam na puwede palang back-to-back -_-).

Gayunpaman, may mga pagkakataong namroblema ako dahil nagpapatong-patong na ang mga gawain. Sa tingin ko, dapat kong matutuhan kung paano piliin ang mga bagay na gusto ko talagang gawin, at kaya ko. May mga limitasyon din kasi ako at kung minsan nakalilimutan o ipinagwawalang-bahala ko iyon.

Isa pang kaibigan ang nagsabi: “Sundan mo ‘yong sinasabi ng puso mo. Marami nang tawag sa’yo. Pakinggan mo ‘yong pinakamalakas, ‘yong pinakadumadagundong. Pakinggan mo saka mo tugunan.”

Isa ‘to sa mga panghahawakan ko sa pagharap ko sa susunod na sem. Ngayon pa lang, marami nang plano, marami nang nakaatang na responsibilidad. Sa ngayon ang mahalaga, alam kong mahal ko ‘yong mga ginagawa ko at kaya ko pa. Sa mga susunod na buwan, siguradong marami pang oportunidad na darating at nanganganib akong malunod sa mga iyon. Sana magawa kong pakinggan kung alin nga ba sa mga tawag ang pinakamalakas.

“Masuwerte ka na nakatagpo ka ng bagay na magaling ka at mahal mo.”

Ang awesome lang talaga ng quotes ng mga kaibigan ko, haha. Pero seryoso. Masaya ako sa kung nasaan ako ngayon at ramdam kong napakasuwerte ko. Ang kailangan na lang ngayon, mag-live up ako sa mga commitments na tinanggap ko at maging bukas sa ano pa mang dala ng bawat araw na lumilipas.

Magis.

“Planning to magis the hell out of myself next sem. (If magis is even a verb.) World, please cooperate. Oh and please, inspire me. :(“

Ngayong darating na sem, plano kong mas magpursige sa pag-aaral. Like I’ve never done before. Maayos naman ang naging resulta ng mga nakaraang sem pero alam kong sa isa o higit pang aspekto, nagkulang ako. I could’ve done better. At plano kong ibigay ang “better” na iyon sa darating na sem.

Carpe diem.

Siguro gan’on pa rin. Magpapaka-determinado ako at aabutin ang mga bagay na dati akala ko hanggang pangarap lang. Pero hindi pa rin kalilimutan ang mga limitasyon.

Chocolate. 😀

Uhm.. wala lang. Basta napapasaya ako ng chocolate. At inilagay ko ‘to dito para tuwing babalikan ko ang post na’to, maaalala kong ipinangako ko sa sarili kong magchill paminsan-minsan. At kahit “Even chocolate can be bitter sometimes,” hindi ‘yon magiging sagabal para maging masaya at matamis pa rin ang buhay.

Ngayong darating na sem plano kong:

1. Magkaroon ng mas mataas na grades. (Hindi naman sa nagiging GC. Takot lang matanggal sa course. 🙂 )

2. Pangatawanang muli ang pagiging officer ng org. (Haha)

2. Manood ng marami pang band gigs!

3. Manood ng marami pang [musical] plays!

4. Makita siyang muli. (Hopefully haha)

5. Makasulat ng awesome articles para sa schoolpaper.

6. Makausap siyang muli? (Yuhh, ibang “siya” 🙂 )

7. Ipagpatuloy ang pagiging active ng blog.

8. Makipag-interact sa marami pang awesome people.

9. Irevive ang dapat irevive.

10. Tanggapin ang opportunities na alam kong makatutulong, makapagpapasaya, at kaya. 🙂

11. Maging masaya. 🙂

Ayon pa sa isang kaibigan (quotes galore! 🙂 ): “Sana pagkatapos mo ng college, marami ka ng experiences. Sana hindi mo lang maalala na ginawa mo, maalala mo na masaya ka habang ginagawa mo.”

Kaya ‘to. Tiwala. 🙂