Buhay

Hamon

Marami akong pangarap, marami akong gustong gawin. At blessed ako dahil nabibigyan ako ng pagkakataon na isakatuparan ang karamihan sa mga iyon. Pero kulang pa. Hindi ako nagli-live up sa mga commitments na kinukuha ko. Hindiko isinasakripisyo ang sarili ko. Hindi pa ako lubusang nagtataya. Oo, masaya ako ngayon pero alam kong hindi iyon ganap. Gusto kong mabuhay- hindi lamang para sa aking sarili kundi pati na rin sa mga taong mahal ko, sa aking kapuwa at lalung-lalo na sa Diyos. Gusto kong ihandog ang buhay ko sa sinasabi ng Theo na “thou” at “Thou”- maging daluyan ng lakas at pagpapala, maging tunay na “blessed to be a blessing.” Gusto kong kayanin. Gusto kong mag-excel Alam kong kakayanin ko. Tiwala lang. Bawas sa katamaran, pagiging makasarili at inconsiderate. Gawing produktibo ang bawat araw. Dito ako magsisimula. Mahirap. Pahirap na nang pahirap. Pero gusto kong kayanin. At kakayanin ko.

Advertisements

Ang Pinagsimulan ng Lahat

Kababangon ko lamang mula sa kamatayan kagabi. Pinagbabato ko ng sangkatutak na katanungan ang aking sarili- “Sino nga ba ako?”, “Ano nga ba ang gusto kong gawin?”, “Bakit ko ba ito ginagawa?”, “Masaya ba ako?”, “Paano ba ako magiging masaya?”, “Ano bang dapat kong gawin?”, blah blah blah. Umiyak ako, humagulhol, nawalan ng pag-asa. Pero tapos na iyon. Okey na ako ulit ngayon.

Pero bago pa man bumalik sa normal ang pintig ng puso at daloy ng dugo ko kagabi, naisipan kong sumulat. Ng ano? Wala akong idea n’ong una. Wala lang. Basta gusto kong sumulat. At iyon nga ang ginawa ko. Hindi ako sumulat dahil gusto kong may mailagay sa blog. Ang kathang naisulat ko ang dahilan kaya ako gumawa ng blog. Kung maipagpapatuloy ko ito ay hindi ko alam. Mukhang masaya kaya sinubukan ko lang. Wala namang mawawala. Yata.