College

On the Art of Life, and a Life of [/for] Art

Most of the past semester had been preparation for what is to come during my last year in college. Nonetheless, I can say it had been a great academic year. A lot of times I was broken to bits, only to be forced to keep my pieces together just in time for the next requirement/project/event. It was a year of promises- both broken and kept; of accomplishments and shortcomings; of growing up and being a kid once more; of experiencing the happiest of happy, the saddest of sad, and the hurtest of hurt; of finding love in the most hopeless of places. (more…)

Advertisements

Rainy Days and Saturdays

I am making a journey towards a future goal. Not an end, but a goal. All the classes I take, the degrees I finish, the organizations I join, the movements I support- all contribute to my eventually reaching that goal.
(more…)

Carpe Diem. Magis. Chocolate. :D

Pinangako ko sa sarili kong susulat ako tungkol sa pagtatapos ng unang semestre para sa taong ito. Una, dahil ito na yata ang pinakamahirap na limang buwang pinagdaanan ko sa buong buhay ko. Ikalawa… ewan ko. pakiramdam ko kailangan.

Hindi talaga naging madali. Ang dami kong ‘firsts’ na naranasan n’ong nakaraang sem. Sabi ko nga, humaba na ‘yong bucket list ko, kasi naidadagdag ko ang isang entry pagkatapos kong gawin ‘yong mismong bagay na ‘yon. Narito ang ilan (dahil posibleng hindi ko na maalala ‘yong iba) :

1. Tumira sa dorm (a.k.a. maging independent)

2. Bumili ng gitara (at matuto ng basic chords)

3. Makipagdebate (‘yong legit)

4. Pangatawanan ang pagiging officer ng isang org.

5. Ma-meet si Manix Abrera. (haha!)

6. Makapanuod ng band gigs! (Ang Dyip ni Juan 2, Voters’ Educ. Concert, Alamat, Bonfire, yay!)

7. Magkaroon ng interaction with awesome people (‘yong mga bandang nagrereply at nagreretweet kapag nagpopost ako ng mga awit nila dito sa blog. Gayundin ‘yong mga nakikilala namin sa gigs, yay!)

8. Magkaroon ng “friend” na “celebrity.” (Hahaha)

9. I-“surprise” ang isang kaibigan para sa 18th birthday niya.

10. Mas maging knowledgeable pa tungkol sa OPM.

11. Simulan ang isang blog!

12. Maging active sa pagbabahagi ng mga awesome na OPM songs. ๐Ÿ˜€

13. Maging part ng Stage Management Team para kay Chris Tiu (pero ginawa lang nila akong taga-operate ng spotlight. oh well ๐Ÿ™‚ )

14. I-maximize ang allowable cuts. (Medyo pinagsisihan ko ‘to.)

15. Makisali sa mural painting!

16. Matuto ng German language!

17. Makapag-perform sa harap ng malaking audience.ย (At hindi mag-fail. ๐Ÿ™‚ )

18. Magspend ng quality time kasama ang NSTP kids! ๐Ÿ™‚

19. Sumulat ng isang awit at lagyan ng tono.ย (Grabe sobrang accomplishment ‘to na hindi ko inaasahan. Hindi naman gan’on ka-epic ‘yong song pero ang saya ko lang talaga na nagawa ko ito. ๐Ÿ™‚ )

 

Narito naman ang ilang hindi ko masasabing “firsts” pero goals na na-achieve ko this sem. ๐Ÿ™‚

1.ย Makapanuod (ulit) ng UAAP game.ย (Finals Game 1!)

2.ย Maging miyembro ng walong orgsย (at mag-active sa tatlo ๐Ÿ™‚ )

3.ย Makapanuod muli ng musical play.ย (At kaibigan ko ang isa sa mga bida! ๐Ÿ™‚ )

4.ย Ma-isurvive ang oral exams.

5.ย Muling maka-bonding ang elem. at HS friends. ๐Ÿ™‚

6.ย Maging “working” student.

7.ย Maipasa ang final exams.

8.ย Manatili sa course ko. ๐Ÿ™‚

 

Masasabi kong masyado akong naging spontaneous n’ong first sem. Kapag may isang bagay na mukhang exciting at mukhang kaya ko naman, gina-grab ko agad. Sabi nga ng isa kong kaibigan recently, hanga raw siya sa pagiging determindao ko. Kung gusto kong makilala ni ___, makikilala niya ako. Kung gusto kong makausap si ___, magagawa ko.

Cheat sheet ko para sa Theo Written Exam. Isang side ng post-it standard size (dahil hindi ko alam na puwede palang back-to-back -_-).

Gayunpaman, may mga pagkakataong namroblema ako dahil nagpapatong-patong na ang mga gawain. Sa tingin ko, dapat kong matutuhan kung paano piliin ang mga bagay na gusto ko talagang gawin, at kaya ko. May mga limitasyon din kasi ako at kung minsan nakalilimutan o ipinagwawalang-bahala ko iyon.

Isa pang kaibigan ang nagsabi: “Sundan mo ‘yong sinasabi ng puso mo. Marami nang tawag sa’yo. Pakinggan mo ‘yong pinakamalakas, ‘yong pinakadumadagundong. Pakinggan mo saka mo tugunan.”

Isa ‘to sa mga panghahawakan ko sa pagharap ko sa susunod na sem. Ngayon pa lang, marami nang plano, marami nang nakaatang na responsibilidad. Sa ngayon ang mahalaga, alam kong mahal ko ‘yong mga ginagawa ko at kaya ko pa. Sa mga susunod na buwan, siguradong marami pang oportunidad na darating at nanganganib akong malunod sa mga iyon. Sana magawa kong pakinggan kung alin nga ba sa mga tawag ang pinakamalakas.

“Masuwerte ka na nakatagpo ka ng bagay na magaling ka at mahal mo.”

Ang awesome lang talaga ng quotes ng mga kaibigan ko, haha. Pero seryoso. Masaya ako sa kung nasaan ako ngayon at ramdam kong napakasuwerte ko. Ang kailangan na lang ngayon, mag-live up ako sa mga commitments na tinanggap ko at maging bukas sa ano pa mang dala ng bawat araw na lumilipas.

Magis.

“Planning to magis the hell out of myself next sem. (If magis is even a verb.) World, please cooperate. Oh and please, inspire me. :(“

Ngayong darating na sem, plano kong mas magpursige sa pag-aaral. Like I’ve never done before. Maayos naman ang naging resulta ng mga nakaraang sem pero alam kong sa isa o higit pang aspekto, nagkulang ako. I could’ve done better. At plano kong ibigay ang “better” na iyon sa darating na sem.

Carpe diem.

Siguro gan’on pa rin. Magpapaka-determinado ako at aabutin ang mga bagay na dati akala ko hanggang pangarap lang. Pero hindi pa rin kalilimutan ang mga limitasyon.

Chocolate. ๐Ÿ˜€

Uhm.. wala lang. Basta napapasaya ako ng chocolate. At inilagay ko ‘to dito para tuwing babalikan ko ang post na’to, maaalala kong ipinangako ko sa sarili kong magchill paminsan-minsan. At kahit “Even chocolate can be bitter sometimes,”ย hindi ‘yon magiging sagabal para maging masaya at matamis pa rin ang buhay.

Ngayong darating na sem plano kong:

1. Magkaroon ng mas mataas na grades. (Hindi naman sa nagiging GC. Takot lang matanggal sa course. ๐Ÿ™‚ )

2. Pangatawanang muli ang pagiging officer ng org. (Haha)

2. Manood ng marami pang band gigs!

3. Manood ng marami pang [musical] plays!

4. Makita siyang muli. (Hopefully haha)

5. Makasulat ng awesome articles para sa schoolpaper.

6. Makausap siyang muli? (Yuhh, ibang “siya” ๐Ÿ™‚ )

7. Ipagpatuloy ang pagiging active ng blog.

8. Makipag-interact sa marami pang awesome people.

9. Irevive ang dapat irevive.

10. Tanggapin ang opportunities na alam kong makatutulong, makapagpapasaya, at kaya. ๐Ÿ™‚

11. Maging masaya. ๐Ÿ™‚

Ayon pa sa isang kaibigan (quotes galore! ๐Ÿ™‚ ): “Sana pagkatapos mo ng college, marami ka ng experiences. Sana hindi mo lang maalala na ginawa mo, maalala mo na masaya ka habang ginagawa mo.”

Kaya ‘to. Tiwala. ๐Ÿ™‚

A Walk to Remember

‘Yong pakiramdam na- may sakit ka’t hinihika, napilitang pumasok dahil ayaw mong ulitin ang asignaturang ‘yon sa susunod na taon, banas na banas sa init ng araw, pagod na kahit wala ka pang ginagawa- sa madaling salita, ayaw mo nang mabuhay. Hindi ko naranasan ‘yan, pero ‘yong kaibigan ko, oo. Ngunit hindi pa d’yan nagtatapos ang lahat.

Para sa klaseng NSTP tuwing Sabado ng hapon, kailangan naming sumakay ng dyip paalis ng pamantasan para puntahan ang aming apostolate area sa Marikina. (Masaya ang NSTP, pero saka na ako magkukuwento tungkol doon ๐Ÿ™‚ ) Isang Sabado ng hapon, nahuli ng dating ang dyip at nauhaw ako kaya inaya ko ang isa kong kaibigan na pumunta ng caf. Nagpaalam naman kami sa facilitator para siguradong hindi kami maiwan.

Hindi rin ako nakahanap ng kahit anong kanais-nais inumin sa caf kaya nakabalik rin kami agad. Ang problema, pagbalik namin, wala na sila sa lugar ng hintayan. Dumating na ang dyip na pinakahihintay. Sabay kaming tumakbo papunta sa paradahan ng dyip at talaga namang nakagigilalas ang aming nadatnan. Wala. Paglingon sa kaliwa ay natanaw namin ang humaharurot na dyip sakay ang aming mga kaklase. Ang saya.

Sinubukan naming tawagan sinuman sa mga sakay pero walang sumasagot. Nage-enjoy siguro sila sa road trip (sa Katipunan? ‘Yong totoo. -_- ), o takot lang na mahablot ang selepono kapag inilabas (“jeep kasi eh, so dangerous a place”). Maya-maya, nakausap rin namin ang facilitator at gulat na gulat rin siyang hindi pala nila kami nakasama. (Hindi ko siya sinisisi, haha ๐Ÿ™‚ )

Medyo malayo na sila pero ayos lang daw na hintayin kami. Sasakay sana kami ng dyip pero maghihintay pa ‘yong mapuno bago patakbuhin ng drayber at lilipas pa ang dalawang oras bago kami makahabol. Kawawa naman ang mga batang naghihintay. Ang kinalabasan: Operation Lakad.

Imagine-in mo ‘yong distansya sa pagitan ng Ateneo at UP Diliman. Ganoon kahaba ang nilakad namin, nang alas dos ng hapon, tirik na tirik ang araw, at nagmamadali pa kami dahil naghihintay ‘yong dyip. Ang totoo sa tingin ko, hindi naman ‘yon gan’on kalayo pero ang problema nga, napakainit at hinihika ‘yong kasama ko. Ikaw kaya d’on sa sitwasyon ko, kung hindi ka mamroblema.

Hindi ko na matandaan kung gaano katagal kaming naglakad, pareho kasi kaming wala sa mood na tumigin sa oras. Nakakatawa pa dahil pinapunta kami ng faci namin sa Balara, tapos tuwing nagtatanong kami sa kung sino kung malapit na kami sa Balara, ang isasagot nila: “Saan sa Balara?” Malawak pala ‘yon. ๐Ÿ™‚

Habang naglalakad kami, sabi ng kaibigan ko (isinalin sa Filipino), “Ayoko nang naglalakad na may pinatutunguhan.” Sagot ko naman, “Ha, di’ba malungkot kapag wala kang pinatutunguhan? Walang kuwenta?”

Gusto raw niya, maglalakad lang siya “for the sake of walking.” Tapos sa huli, babalik lang muli sa pinanggalingan at magpapahinga. Kinabukasan, maglalakad lamang muli nang walang siguradong patutunguhan.

“Edi hindi ka makakamove on, balik ka lang ng balik sa pinaggalingan mo?” tanong ko sa kanya, na sinagot lang niya sa pamamagitan ng pagkibit ng balikat. “O, kahit paano, paunti-unti, may nararating ka rin dahil sa mga nakikita, nararanasan at natututuhan mo sa bawat paglakad?” tanong kong muli. Nagkibit lang uli siya ng balikat.

Para naman sa akin, ayokong naglalakad ng walang siguradong patutunguhan. Pakiramdam ko, walang saysay ang buhay ko. Gusto ko, lagi akong may tinatanaw na dulo, gaano man ‘yon kalabo. Hindi ko man sigurado kung mabuti o hindi masyadong mabuti, gusto kong alam ko na may patutunguhan ang bawat ginagawa ko, at ‘yon ang dahilan kaya nagpupursigi akong ipagpatuloy ‘yon. Kung minsan, hindi maiiwasang may mga sitwasyon din akong sinusuong na hindi ko alam kung ano ang kahahantungan. Sa puntong ito naman, pinanghahawakan ko ang tiwala. Tiwala na may dahilan kaya dumating sa buhay ko ang ganitong oportunidad, at darating ang panahon na maiintindihan ko rin ang lahat.

Sabay-sabay tayong naglalakabay sa buhay na ito, at nakakasalubong natin ang isa’t isa sa bawat pagliko. Gaano man kainit ang sikat ng araw, hindi matatapos ang paghihirap kung hindi natin ihahakbang ang paa kasunod ng isa pa. Iba-iba tayo ng pagtanaw at pag-intindi sa kung bakit tayo patuloy na naglalakad, at ang nakaaapekto ang pagkakaibang iyon sa kung paano natin inihahakbang ang bawat paa, gayundin kung tinatapakan ba natin o iniiwasan ang paa ng iba. Ikaw ba, paano mo ipinagpapatuloy ang paglalakad? Gumagapang ka ba, swag, nagmamadali na parang hinahabol ng sampung kabayo (o dyip), o Gangnam Style? At bakit mo pa nga ba ipinagpapatuloy ang paglalakad?

On Singing, Partying, and Friendship

Tapos na. Nagawa ko. Hindi napakaganda ng kinalabasan, pero hindi rin ako nagkulang. Naghanda ako sa abot ng aking makakaya at naging maayos ang lahat. Masaya ako. ๐Ÿ˜€

Naranasan ko nang umawit sa harapan ng maraming tao noon, hindi ito ang una. At aaminin ko, hindi gan’on kaganda ang kinalabasan ng mga karanasang iyon. Kung hindi ako kulang sa praktis, labis na kinakabahan dahil nasabihan ako isang oras bago ang nakatakdang pagtatanghal. Marunong akong umawit pero hindi magaling, marami pang dapat matutuhan.

Noong nakaraang Biyernes, nabigyan ako ng pagkakataong umawit para sa mga iskolar ng unibersidad. (Hindi OPM ang inawit ko, haha ๐Ÿ™‚ ) Sa ilang beses ko nang naranasang magtanghal (na iilan lamang naman), iyon na yata ang pinakamaraming taong nakaharap ko. Ang masaklap pa, karamihan sa kanila’y matatalik kong kaibigan; at halos lahat sila’y maaari kong makasalubong sa kampus anumang araw.

Isa pa, kasama ko ang isang buong banda- may tambol, gitara (guitar 1, guitar 2 at bass), keyboard at synthesizer pa. Mga kaibigan ko rin ang tumutugtog at bihasa sila sa mga ginagawa nila. Dalawa o tatlong beses lamang kaming nakapag-rehearse sa isang studio sa Cubao. Kung tutuusin, kulang talaga kami sa paghahanda subalit iyon lang talaga ang kinaya dahil abala rin kami sa pag-aaral para sa sunud-sunod na exams.

Bago ang mismong event, naglast rehearsal pa kami. At doon ko napatunayang hindi pa talaga ako handa. Ramdam kong hindi naman ako kinakabahan pero sadyang hindi lang talaga ako handa. Gayunman, wala nang atrasan, pinasok ko ‘yon eh. Kailangang panindigan.

Kami ang huling magtatanghal (pagkatapos ang sunud-sunod na magagaling na performance. Talk about pressure.), at gabing gabi na n’on. Pero nang nasa ibabaw na kami ng entablado, nagtayuan ang mga tao at lumapit (dahil yata pinalapit sila ng staff ng party. ๐Ÿ™‚ ). Kinakabahan kaming lahat, pero habang nagsisigawan at sumasabay sa pag-awit ang mga tao, pare-pareho na kaming nag-enjoy. Isa ‘yon sa mga pinakamasasayang sandali ng buhay ko, gaano man kasimple.

Pagkatapos ng pagtatanghal, bumaba ako ng entablado at nakisayaw. Sa wakas, makasisigaw na rin ako hanggang sa maubusan ng boses. Kumanta, sumayaw at nagparty kami na parang walang bukas. Pansamantalang kinalimutan ang lahat ng mga problema sa acads, org, at pamilya. Nagsaya kami- in the very essence of the word.

Sadyang epic ang mga kaibigan. Proof?

-Handa silang sumuporta, sumigaw at pumapalakpak para sa’yo kahit gaano ka ka-walang kuwenta kumanta. Sasabayan ka na lang nila para hindi masyadong halata. (Hindi ko sinasabing ganito ang nangyari sa’kin, haha.)

-Handa silang tumawa at makinig kahit sobrang corny ng party jokes mo, at mukha na kayong tanga dahil ina-analyze n’yo ang culture of partying habang sumasayaw ng Oppa Gangnam Style.

-Handa silang mag-share, este maki-share sa pagkain mo kung hindi mo na maubos dahil masyado kang natuwa at kumuha ka ng bawat isang putahe sa buffet kahit hindi mo alam kung ano ‘yon. (Hindi ko naranasan ‘to, hindi ako nakakain eh. ๐Ÿ™‚ )

-Kahit gaano kaya kapagod lahat, basta magkakasama, party lang. Dito mo mararamdamang walang kuwentang i-celebrate ang success nang nag-iisa. (Dapat laging may outsider na paulit-ulit na magsasabi sa’yo kung gaano kagaling ang ginawa mo. Haha, joke lang. ๐Ÿ™‚ )

-At higit sa lahat, kaya n’yong patunayang makakapagparty pa rin ng wagas kahit walang alkohol sa paligid. (O baka special cases lang ito ๐Ÿ™‚ )

Sabi nga sa Theo, “Loneliness is a curse. Companionship is a must.” Malaking bahagi ng buhay natin ang mga kaibigan, kasama ng pamilya at iba pang tao sa komunidad. Sa lahat ng mga naging kaibigan ko mula pa noong elementarya at hayskul (kung naaalala n’yo pa ako, haha), sa bawat paaralang nilipatan ko, at siyempre ngayon sa unibersidad- malaking bahagi kayo ng kung sino ako ngayon (Uhh.. sino nga ba ako? ๐Ÿ™‚ ). Para sa akin, hindi nagtatapos ang isang pagkakaibigan. Mag-away man kayo o magkahiwalay, mananatili kayo sa puso’t alaala ng isa’t isa (cheesy). Maliit ang mundo, darating ang panahong muli kayong magtatagpo at itutuloy ang kuwento. Next chapter.

Overthinking

Mahirap umasa sa magagandang bagay dahil sa huli’y masasaktan ka lang kung hindi ‘yon mangyayari.

‘Yon ang sabi nila. Kadalasan, totoo naman. Pero ang isa pang masaklap: kumbinsihin ang sarili na may masamang mangyayari at tuluyang magpanic-. Duh, wala pa kaya.

Ang katwiran: para hindi na gaanong masakit kapag nangyari na. Pero paano kung mabuti naman pala ang kahihinatnan ng lahat at hindi naman magkatotoo ang mga hinala? Nagmukha ka lang tanga.

Noong nakaraang araw, kumuha ako ng mahabang pagsusulit sa isang major subject.ย  Hindi ko alam kung sadyang mahina lang ako, kulang sa paghahanda, o sadyang napakahirap lang n’ong eksamen. Pakiramdam ko nilalagare na ang bungo ko, isang oras pa lamang ang lumilipas mula sa tatlong oras na nakalaan.

Habang pilit na pinipiga ang utak para sa mga konseptong napag-aralan, paminsan-minsa’y lumilinga ako sa paligid. Hindi para mangopya.ย  Nakikita ko ang mga kasamahan ko sa kurso, gayundin ang propesor kong kinikilala sa kanyang larangan. Naiisip ko ang kinabukasan ko na nakasalalay sa mga papel at bolpen na hawak ko, gayundin sa mga letra at numerong nasa harapan ko nang mga oras na’yon. Kung ibabagsak ko ang pagsusulit, babagsak ako sa asignatura, matatanggal ako sa kurso, mawawalan ng iskolarsyip, at… Pero hindi ‘yon ang problemang dapat harapin. Sumagot ako hanggang sa abot ng aking makakaya at pagkatapos ng pagsusulit, isa lamang ang dasal ko: ‘wag sanang bumagsak.

Nang gabing iyon (hanggang kaninang umaga), labis na kalungkutan ang sumukob sa buhay ko. Pakiramdam ko, hindi tama ang mga ginawa ko, hindi ako naglaan ng sapat na oras sa pag-aaral, nagkulang ako. Umabot ako sa puntong kinuwestiyon ko ang mga bagay na isinasabuhay ko, mga gawaing tinatanggap ko at mga desisyong ginagawa ko. Umabot din ako sa puntong sinimulan ko ang blog na ito. [:>] Depresyon.

__________________________________________________

Kaninang umaga, klase sa asignatura kung saan ako kumuha ng eksamen noong nakaraang araw. Idinetalye ng propesor ang mga kasagutan sa nakaraang pagsusulit, pero hindi pa niya ibinalik ang mga papel namin. Dug. Dug. Dug. Habang tumatakbo ang oras lalo pa akong kinakabahan sa kalalabasan ng ginawa ko. Pumapasok na namang muli sa isip ko ang pagbagsak, pagkatanggal sa kurso at…

Pagkatapos ng klase, ang laki ng galit ko sa sarili ko. Hindi dahil nasiguro ko na ang pagbagsak sa pagsusulit, kundi dahil nang binilang ko ang mga aytem na medyo sigurado akong tama ang aking isinagot, lumagpas naman sa kalahati. Ibig sabihin: pasado. Hindi mataas, pero pasado. Masaya naman ako na sa nangyari, pero ‘yong kung ano-anong bagay na gumulo sa isip ko nitong mga nakaraang araw, ‘yong mga luhang tumulo dahil sa mga negatibong pangyayari na ipinalagay kong magaganap, ang mga oras na nasayang ko sa panunuod ng pelikula sa pag-aakalang kailangan ko iyon para aliwin ang sarili…

Ang labo ko. Pero ayos lang, atlis pasado. :> Dalawang mahabang pagsusulit na naman ang haharapin ko bukas. Anuman ang maramdaman ko pagkatapos, sisiguraduhin kong hindi kasama roon ang panghihinayang. hangga’t alam kong naghanda ko, ipasasa-Diyos ko na lamang ang kalalabasan ng mga pagsusulit. Siguro… makabubuti kung pupunta ako sa isang party bukas ng gabi. :>