Music

South Border – Rainbow

09-04-12 Rainbow ng South Border

“No matter what happens, life goes on and on…
Just smile, ’cause I’m always around you..
And I’ll make you see how beautiful life is for you and me…”

Rainbow

Artist: South BorderJay Durias – keyboards, lead vocals
Mackey Ricafort – guitars, vocals
Bagets Mendez – drums, percussion, vocals
Marlowe Mata – bass guitar
Ric Junasa – tenor saxophone
Rancis De Leon – alto saxophone

Album: Episode III (2005)

 

Advertisements

Apo Hiking Society – When I Met You

09-02-12 When I Met You ng Apo Hiking Society

“And it all began… when I met you…”

Kung ano man ang nagsimula/magsisimula at kung sino man ‘yang nakilala/makikilala mo ngayong Setyembre… Nakaka-excite di’ba?

When I Met You
Album: 1-2-3
Artist: Apo Hiking Society (Danny Javier, Buboy Garrovillo, and Jim Paredes)At kung nagustuhan n’yo ang kantang ‘yan ng Apo (at iba pa nilang mga awitin), nood na ng movie musical na I Do Bidoo Bidoo: Heto nAPO Sila!, isang espesyal na pagkilala sa Apo bilang isa sa mga pinakamagagaling na OPM artists. Palabas na po sa mga sinehan! (http://www.youtube.com/watch?v=0g15QZFBbEs)

Up Dharma Down – Tadhana

09-01-12 Tadhana ng Up Dharma Down

“Ba’t di pa sabihin ang hindi mo maamin…
Ipauubaya na lang ba ‘to sa hangin… ”

Tadhana
(OST: Ilumina)Artist: Up Dharma Down
Armi Millare – keyboards, vocals
Carlos Tanada – guitars
Ean Mayor – drums and loops
Paul Yap – bass

“Up Dharma Down is a Manila-based band that has taken apart and interestingly combined musical boundaries in their songs. Many of their listeners have tried to give their music a tag, but even the four of them attest to the fact that the only way to understand this nameless genre is to press play.”
(http://www.updharmadown.com/)

Hale – Blue Sky

08-31-12 Blue Sky ng Hale

Darating ang araw na muling mawawala sa uso ang isyu tungkol sa pagbuhay ng OPM at muli na naman itong mapagwawalang-bahala.

Walang mawawala kung susubukin nating iangat ang OPM sa sarili nating paraan. Halimbawa, maaari tayong magpatugtog ng awiting OPM sa sari-sarili nating device. Hindi ko sinasabing puro OPM lang ang dapat nating ipatugtog dahil kalokohan ‘yon. Kung hindi mo pa nasusubukang makinig ng OPM dahil kadiri ang tingin mo rito, bakit hindi mo subukin, kahit isang kanta lang kada araw? Maganda ang OPM, kung paglalaanan lamang natin ng oras ang pakikinig at pag-appreciate.

08-31-12

Blue Sky by Hale (Champ Lui Pio, Roll Martinez, Sheldon Gellada, and Paolo Santiago)Album: Above, Over and BeyondSana’y magustuhan n’yo. :>

Ang Himig Natin: Pagdinig sa Humihinang Tinig ng OPM

http://www.scribd.com/doc/104377012/Ang-Himig-Natin-Pagdinig-sa-Humihinang-Tinig-ng-OPM

Ang Himig Natin: Pagdinig sa Humihinang Tinig ng OPM

ni Aby Esteban at Rhea Leorag

Mula sa: Matanglawin (Opisyal na Pahayagang Pangmag-aaral ng Pamantasang Ateneo de Manila) Tomo XXXVI

“Mas pipiliin ng taong bilhin iyong gawa sa labas kaysa sa lokal. Nakakalungkot, kaya rin naman ng lokal.”

Francis Guevarra, Artists and Repertoire Manager ng MCA Music

 

“Sana panahon na ng bagong henerasyon, bagong henerasyon ng musicians at bagong OPM.”

Rez Toledo (“Somedaydream”), mang-aawit at nagpatanyag ng E-Pop sa Filipinas

(more…)

Ang Himig Natin

*songwriters

*songwriters… zombies?

Namamatay na raw ang OPM. Nakalulungkot. Ang totoo- masakit. Pero siyempre tutol ako sa isiping iyon. Sa ngayon, ang pananaw ko ay ito- hindi totoong patay na o namamatay ang OPM. Tumitingin lamang tayo gamit ang maling perspektibo. Oo, maraming problema, pero hindi pa rin natin masasabing namamatay na ang lokal na industriya ng musika sa kabuuan.

Narito ang ilang mga artikulo at blog na nangahas ipahayag sa mundo ng Web na “OPM is dead.” :

OPM’s Greatest Hits and Misses ni Shinji Manlangit (Philippine Star)

http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=841518&publicationSubCategoryId=448

The Life and Death of OPM ni Don Jaucian (Philippine Star)

http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=841513

OPM is Dead, So Sue Me ni Leloy Claudio

http://www.gmanetwork.com/news/story/271491/opinion/blogs/opm-is-dead-so-sue-me

___________________________________________

Gusto kong sabihing nagkakamali o nag-iimbento lamang sila. Pero sa kasalukuyan, wala pa akong karapatang gawin ‘yon. Gusto kong suportahan at gawing adbokasiya ang muling pag-angat ng OPM ngunit sa ngayon, kulang pa ako sa kaalaman. Sabi nga sa Sci10 class, hindi sapat ang intent at passion- dahil kailangan itong samahan ng knowledge at objectivity.

Siguro sa mga susunod na araw o buwan, makahahanap din ako ng oras para pag-aralan ang mga bagay na dapat kong alamin tungkol sa industriya ng musika sa ating bansa. Basta sa ngayon, nais ko na lamang umasa na hindi pa tuluyang patay ang OPM kundi naghihintay lamang ng mga taong handang sumagip dito.

___________________________________________

Narito naman ang ilang artikulo at blog na kumokontra sa isiping “OPM is dead.” Sana nga, hindi sila nagkakamali.

Is OPM Dead? ni Twinky Lagdameo

http://www.radiorepublic.ph/post/is-opm-dead

On OPM ni Rain Contreras

http://raincontreras.com/2012/08/26/on-opm/

OPM isn’t dead you idiot. ni Carlo Casas

http://thecasas.wordpress.com/2012/08/25/opm-isnt-dead-you-idiot/

___________________________________________

Kapag natapos na ang lahat ng exams at kung ano-ano pa ngayong sem, maaring gumawa rin ako ng sariling blog entry na nagpapahayag ng opinyon tungkol sa isyung ito. Pero hindi pa ngayon iyon.