Now

Mojofly – Tumatakbo

“Tumatakbo ang oras, naiiwan na ako ng panahon.
Di na nagbago bawat araw, pare-pareho, parang kahapon.”

http://www.youtube.com/watch?v=Faeht_9nSx0

Tumatakbo

Artist: Mojofly (Lougee Basabas, Ace Evangelista, Ali Alejandro, Richard Carandang)

Album: Now (2005)

Kung tutuusin, hindi lang naman sa kasawian sa pag-ibig maaaring maramdaman ang ganito. Minsan, masyado talagang mabilis ang buhay. Halimbawa sa kasalukuyan, aoat na linggo na lamang matatapos na ang unang semestre; parang n’ong nakaraang linggo lang tayo unang pumasok. Sadyang ganoon siguro talaga ang oras. Kung minsan napakabilis, kung minsan naman parang napakabagal. May mga pagkakataong mas gusto nating tumigil muna at kumapit sa mga magagandang alaala na kay bilis lumipas at maging maliit na bahagi na lamang ng ating haraya.

Atin ang buhay na ito. Angkinin natin ang bawat oras at karanasan. Gawing makabuluhan ang bawat segundong lumlipas, habang tumatakbo ang oras.

Advertisements